Gibusong Island: Ito ay isang maliit na isla na parte ng Dinagat islands sa Surigao Del Norte. Ito ay matatagpuan sa hilagang-kanluran ng Dinagat Islands sa ng golpo ng Leyte at sa bandang hilaga ng kipot ng Surigao.
Ang islang ito ay likas sa yamang-tubig at maganda ring pagbakasyunan lalo na pag-summer. Ang dagat ay napakalinis at napakalinaw. Ang hangin dito ay sariwa at malamig lalo na sa gabi, ang problema nga lang dito pag gabi ay walang kuryente kaya pagsapit ng 9:00 pm kailangan tulog kana. Sa islang ito ay mararamdaman mo ang tunay na ibigsabihin ng kalikasan. Maganda rin dito pag gabi kasi makikita mo ng malinaw ang mga tala at siguradong makakakita ka ng shooting star.
Maipagmamalaki rin dito ang mga halaman at mga puno na napakaganda at napakataba dahil sa ganda ng lupa dito. Masasabi kong Green Environment ang islang ito.
ganyan kalinis ang dagat dito. ganyan din kasarap maligo sa dagat na ito sapagkat ang iyong matatapakan ay mga puting buhangin. parang small version ng boracay. ang tubig ay siguradong malinaw at makikita mo ang lahat ng nasa ilalim kahit na nasa bangka ka dahil sa linaw ng dagat dito.
At syempre ang mga sea creatures dito ay marami din, tulad na lang ng nasa ibaba:
Salungo o Trepang
Sea Urchin
Bituing-isda
ibang pang uri ng sea urchin.
"saging-wawalo" ang tawag nila dito.
water-snake o ahas dagat.
iba't ibang uri ng sariwang isda.
at ang isa sa pinaka-paboritong kainin ng mga taga rito ay ang tinatawag nilang lato:
sa mga Luzon, ang tawag nila dito ay sea weed. ito ay isa rin sa mga pulutan nila dito at masarap ito pag sariwa pa o galing pa sa dagat at lalo na pag sinawsaw ito sa suka.
Yan ay ilan lamang sa mga matatagpuan mo dito , at kapag ikaw ay nanirahan o tumuloy lamang ng saglit sa isla ng Gibusong ay masasabi mo talagang ito ay isang Undiscovered Paradise o isang munting Paraiso. marami ka pang makikita at mararnasan kapag pumunta ka dito at wala ka dapat ikatakot sa lugar na ito dahil ang mga tao dito ay sadyang mababait at magiliw sa mga panauhin. May mga tinatago ring kasaysayan ang islang ito at marami kapang masisilayang kayamanan dito na hindi mo basta-bastang makikita sa ibang lugar , tulad na lang ng mga naglalakihang bato sa may bandang kanluran ng islang ito at ang mga kakaibang halaman sa bundok nito, atbp. Hindi ko maiisa-isa ang mayroon ang islang ito dahil sa sobrang dami ng kayamanan dito. Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng pagtatanim ng higit 100 puno sa bundok nito upang mapigilan ang pagmimina rito.
Kaya halina't galugarin ang islang ito at kayo mismo sa sarili nyo ang magsasabi na kayganda sa Pinas dahil mayroong munting paraiso tulad ng GIBUSONG ISLAND.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento